Wednesday, November 20

Total ridership ng LTFRB Libreng Sakay higit P3-M

The total number served by the Service Contracting Program Phase 3 of the Department of Transportation (DoTr) and Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) here in Region 2 (Cagayan Valley) has reached 3,430,182. BEN EBREO, PIA PHOTO

BY MARK DJERON TUMABAO, PIA

TUGUEGARAO CITY, Cagayan (June 21)—Umabot na sa 3,430,182 ang kabuuang bilang ng naserbisyuhan ng Service Contracting Program Phase 3 ng Department of Transportation (DoTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) dito sa Region 2 (Cagayan Valley).

Ayon kay LTFRB Regional Director Edward Cabase, karagdagang 56,164 na mga mananakay sa rehiyon ang naging benepisyaryo ng Libreng Sakay kahapon, ika-20 ng Hunyo.

Nagsimula ang pagpapatupad ng nasabing programa noong ika-20 ng Abril 2022 at nagtapos nitong ika-20 ng Hunyo para sa ibang ruta.

Ang Service Contracting Program ay ipinatupad ng DOTr at LTFRB alinsunod sa marching order ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na tugunan ang pangangailangan ng mga komyuter, operator, at drayber ngayong panahon ng pandemiya.

“Thank you po sa libreng sakay. Sana po magpatuloy pa,” ani ni Christopher Isisdro, isa sa mga naserbisyuhan ng naturang Libreng Sakay.

“Maraming salamat po sa pagkakaton na makasali po sa inyong programang Libreng Sakay… praying for another opportunity under the new administration. More power po,”sinabi naman ni Bella Alma S. Tandayu, isa rin sa mga nabenepisyuhan.

ALSO READ  GPULP Scholarship Foundation calls for applications