Wednesday, January 22

Tagalog News: Gob. Albano nabakunahan na ng unang dose ng AstraZeneca

BY MERLITO G. EDALE JR.

LUNGSOD NG ILAGAN, Isabela (Abril 7)—Nabakunahan na si Gobernador Rodolfo Albano 3rd ng Isabela ng unang dose ng AstraZeneca vaccine na panlaban sa sakit na coronavirus disease 2019 (Coid-19).

Ang pagbakuna ay ginawa kagabi (Abril 6) para ipakita sa mga mamamayang Isabeleño na ligtas ang mga bakuna kontra Covid-19 na ibinibigay ng gobyerno

Matatandaan na sinabi ng University of the Philippines (UP) Octa Research na isa ang Isabela sa Covid-19 hotspots sa bansa dahil sa mataas na positivity rate na naitala ayon na rin sa datos ng Kagawaran ng Kalusugan.

Ang mga mayor at gobernador na may critical o high risk areas ay tinagurian na ring health care frontliners at pinapayagan na rin ng National Task Force – Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease na magpabakuna laban sa Covid-19 para sa kanilang kaligtasan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin sa pagligtas ng kanilang mamamayan laban sa nakamamatay na sakit.

ALSO READ  4 dead in Air Force chopper crash in Isabela