Tuesday, January 21

Disability affairs council, binuo sa NVizcaya.

NUEVA Vizcaya Gov. Carlos Padilla leads in the creation of the Provincial Council for Disability Affairs (PCDA) to look into the welfare and well-being of persons with disabilities (PWDs) in the province. The PCDA is expected to provide services to uplift the economic and physical status of PWDs. PHOTO COURTESY OF NUEVA VIZCAYA PROVINCIAL GOVERNMENT

BY BENJAMIN MOSES M. EBREO

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (August 16)—Binuo kamakailan ng provincial government ang Nueva Vizcaya Provincial Council on Disability Affairs (PCDA) upang pagtuunan ng pansin ang mga pangangailangang tulong ng mga persons with disabilities (PWDs) sa lalawigan.

Pinangunahan ni Governor Carlos Padilla ang pagpupulong ng mga ahensiya ng national at local government na kasali sa PCDA, kasama si Provincial Disability Affairs Officer Venus Cadabona at Provincial Social Welfare and Development Officer Flordelina Granada.

Isa sa mga ipapatupad na mga proyekto para sa PWDs ang paggawa ng mga pasilidad upang magamit ito at hindi sila mahirapan sa pagpasok sa mga gusali ng provincial government habang sila ay humihingi ng mga government services.

Ayon kay Padilla, dapat isama ang PWD Accessibility Law at mga Welfare Programs para sa PWDs sa mga plano ng PLGU at miyembro ng PCDA upang mabigyan ng access ang PWDs sa mga government buildings batay sa isinasaad ng United Nations Convention on the Rights of Persons with Disabilities (UNCRPD) at Magna Carta for Disabled Persons o Republic Act No.7277.

Kasali din sa plano ng PCDA ngayong taon ang pagsasagawa ng mga pagpupulong, planning workshops at oryentasyon hinggil sa mga batas para sa mga PWDs upang maintindihan ito ng mga miyembro ng nasabing sektor. PIA

ALSO READ  DENR, NVizcaya LGUs partner for river protection