Typhoon victims sa Bambang, tumanggap ng ayuda mula LGU
Pinangunahan ni Mayor Benjamin “Jamie” Cuaresma Jr. and pagbibigay ng ayuda sa mga magsasaka sa bayan ng Bambang, Nueva Vizcaya na biktima ng bagyong Egay. Ang ayuda ay upang muling matulungan silang bumangon matapos ang hagupit ng nasabing bagyo sa kanila. PHOTO FROM MAYOR BENJAMIN CUARESMA III FB PAGE
BY BENJAMIN MOSES M. EBREO
BAMBANG, Nueva Vizcaya (September 12, 2023)—Nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyong Egay ang Municipal Local Government Unit (MLGU) ng bayang ito upang muling matulungan ang mga magsasaka na bumangon matapos ang hagupit ng nasabing bagyo sa kanila.
Pinangunahan ni Mayor Benjamin Cuaresma 3rd ang pagbibigay ng tulong sa mga magsasaka ng Barangay Santo Domingo West at Barangay Pallas ng bayang ito kamakailan kasama ang mga barangay officials.
Ang mg...










