MAY KAGITINGAN SA BAWAT SULIRANIN PARA SA KAPWA AT SA BAYAN
Maligayang Araw ng mga Bayani! ❤️💛💙🇵🇭 Likha ni @leianaaa_waffles #arawngmgabayani #nationalheroesday #mabuhayfrontliners
Paano nga ba maging isang magiting na Pilipino? Paano nga ba tayo hihiranging magiting sa ating sariling mga pamamaraan? Paano nga ba mapabilang sa mga tinatawag nating “Isang Magiting na Pilipino?”
Sa pamamagitan ba ng pagbuwis ng buhay kahit na alam mong hindi sumusuporta ang mas nakararaming mamamayan sa iyong ipinaglalaban? Sa pagtatanggol ng karapatang pantao kahit na naapakan ang karapatan ng iba? Sa pakikipaglaban sa kasarinlan ng Pilipinas kahit na sa tingin ng nakararami ay maling pamamaraan?
Sa limang dekadang pakikipaglaban ng Communist Party of the Philippines-New People's Army-National Democratic Front (CPP-NPA-NDF) laban sa ating gobyerno, masasab...