Tribung Bugkalot umalma vs CNO
BUGKALOT DANCE. FILE PHOTO BY VICTOR MARTIN
NI VICTOR MARTIN, PN
NAGTIPUNAN, Quirino (January 6)—Pumalag ang mga katutubong Bugkalot na patuloy na naninindigan para sa kanilang “ancestral domain” matapos magpalabas ang National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ng certificate of non-overlap (CNO) na pumapabor sa OceanaGold Philippines, Inc. (OGPI) na nagsasagawa ng pagmimina sa Barangay Didipio na sakop ng kanilang teritoryo.
Ayon sa mga elders at mga opisyal ng tribung Bugkalot, ang pagpapalabas ng CNO ng NCIP ay walang sapat na basehan at malinaw na pagyurak sa kanilang karapatan bilang mga katutubo.
Ayon kay Rosario Camma, overall chieftain ng tribung Bugkalot na matatagpuan sa mga kabundukan ng Nueva Vizcaya, Quirino, Aurora at Nueva Ecija, ang CNO na ipinalabas ng N...