Thursday, November 21

Dupax del Norte, magpapatayo ng Dialysis Center

Nagkakahalaga ng P5,000 ang tinanggap ng bawat isang dialysis patient mula sa pinalawak na Social Services Program ng MLGU ng bayang Dupax del norte, Nueva Vizcaya. Namahagi din ng tulong pinansiyal, bigas at iba pang gift packs ang MLGU sa mga rebel returnees, 4Ps graduates, abandoned/neglected children na dumalo sa Family Day celebration nito. VICTOR MARTIN

BY BEJMAIN MOSES M. EBREO

DUPAX DEL NORTE, Nueva Vizcaya (September 10, 2023)—Magpapatayo ng isang Dialysis Center ang Muncipal Local Government Unit (MLGU) ng bayang ito upang tugunan ang pangangailangang libreng medical treatment sa mga dialysis patients.

Ayon kay Mayor Timothy Cayton, nailatag na ng MLGU ang plano para sa pagpapatayo ng Dialysis Center sa ilalim ng kanilang Social Services Program para sa mga mamamayan.

Dagdag pa ni Cayton na ang Dialysis Center Project ay tugon sa dumaraming bilang ng mga pasyenteng nangangailangan nito sa bayan.

Ibinahagi ni Cayton ang balita sa isinagawang Family Day celebration sa Dupax del Norte kung saan dinaluhan ito ni Vice Governor Eufemia Dacayo na siyang panauhing pandangal.

Sa selebrasyon ng Family Day ng bayan, pinangunahan ni Cayton, Dacayo, Vice Mayor Victorino Prado at mga miyembro ng Sangguniang Bayan ang pagbibigay tulong pinansiyal sa mga 23 na dialysis patients.

Nagkakahalaga ng P5,000 ang tinanggap ng bawat isang dialysis patient mula sa pinalawak na Social Services Program ng MLGU. 

Namahagi din ng tulong pinansiyal, bigas at iba pang gift packs ang MLGU Dupax del Norte sa mga rebel returnees, 4Ps graduates, abandoned/neglected children na dumalo sa Family Day celebration nito.

ALSO READ  Cagayan Valley Covid cases jump to 510