DepEd NVizcaya, handa na sa face-to-face classes sa susunod na lunes
Handa na ang Department of Education (DepEd) sa Nueva Vizcaya upang ipatupad ang Face to Face Classes sa lalawigan sa susunod na linggo. Katuwang ng DepEd ang mga local government units, Municipal Health Offices, Barangay Health Emergency Response Teams at Barangay Health Workers sa pagpapatupad nito. LARAWAN MULA SA PIA
BY BENJAMIN MOSES M. EBREO
BAYOMBONG, Nueva Vizcaya (August 18)—Handang handa na ang Department of Education (DepEd) sa pagbubukas ng face to face classes sa lalawigan sa susunod na linggo.
Ayon kay Dr. Rachel Llana, DepEd Schools Division superintendent (SDS), may ugnayan na ang mga opisyal ng mga pampublikong paaralan sa kanilang mga Local Government Units (LGUs), Rural Health Units (RHUs), Barangay Health Emergency Response Teams (BHERTs) at Barangay Health Wo...